Thursday, September 13, 2012

Ang Barakong Kambing


Muling nanariwa ang isang dahong lanta nang magsilbing bangka para sa isang langgam; isang halamang bansot at inakalang walang silbi ang magiging alay pala sa Kapitan; mga manikang ikinulong sa kahon ang nakatakas at nakatagpo ng bagong tahanan; isang alagang kambing ang nagpamalas ng kanyang kakaibang galing sa harap ng kanyang mananakop; at nagbabagong-bihis ang gasgas na alamt ng isang matamis at nakalalasong prutas.
Hindi agad-agad malilimutan ang mga tauhang nilikha ni Simplicio P. Bisa, isang premyadong kuwentista at guro, sa kanyang mga kuwentong pambata. Lahat sila ay kasasalaminan ng pag-asa. Tiyak kong matatawid ng mga tauhang ito ang puso ng mambabasa, bata man ito o may gulang na. Malaking kontribusyon ang mga salaysay ni Bisa para sa lalo pang ikauunlad ng panitikang pambata ng ating bansa. Ang mga kuwentong ito ay patunay na hindi kinalimutan ni Bisa ang mga bata sa kanyang mga akda.
Tuklasin na natin ang pambihirang bisa ni Bisa sa mga kuwentong inialay niya sa mga bata.

Parameters of Product: Books
Author
Simplicio Bisa
Copyright
2011
Edition
1
Publisher
C & E Publishing, Inc.
Pages
46
Paper Type
BOOKPAPER
Binding Type
SADDLESTITCH
Features
Contents
ISBN
9789719924241

1 comment: